Ni Tami M
Ang akala ng madla
Masaya't masigla
Sa bandang dulo ng bahaghari
Kung nasaan ang mga matitipunong dilag
Hindi natin inaakala
Na may taong "nagsimula"
Magmulat ng mata
At nalaman niya ang pagkakaiba ng madunong at maralita
Presyo ang bilangan, timbang ang pagsasaluhan
Ikit ang ukit, ipit ang sukli
Tingi-tingi ang pagtingin
Tuloy-tuloy ang paglangoy
Karamot ng karayom
Paalam sa padayon
Pangarap ang kinakalap
Anak ng alapaap
Busina ng bosing
Lalarga na tayo
Makikipaglaro kung kani-kanino
0 件のコメント:
コメントを投稿